TV5 introduces 2020 shows amidst threat of work stoppage from employees
Sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ginanap ang intimate dinner ng press, kasama sina Wilma at Luchi.
Sa opisina naman ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa Intramuros, Manila, ginanap ang pag-uusap sa pagitan ng TV5 management at ng ABCEU.
Ito ay kasunod ng inihaing notice of strike ng ABCEU sa tanggapan ng DoLE noong Biyernes, December 13, 2019.
Ayon naman kay Luchi, wala siyang alam sa mga nangyayari sa pagitan ng unyon at management.
“Wala akong kinalaman dun, promise. I mean, I don’t know... I don’t know.
“HR [Human Resources] is handling it. Management is handling it.
"We’re ready naman for any eventuality, kasi news kami, e.
"The news must go on, so we have a plan B in case it [strike] pushes through.
"But feeling ko, hindi naman siguro.”
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang Kapatid network kung ano ang kinalabasan ng mediation noong Miyerkules.
VERTICAL PROGRAMMING. Kahit may agam-agam sa maaaring kalabasan ng pag-uusap, nananatiling optimistic daw ang TV5 executives na maayos ang lahat.
Kaya naman inanunsiyo na nila ang kanilang mga bagong programa para sa 2020 (tulad ng Regal, Viva, APT, Brightlight, Cignal TV at News5).
Kabilang dito ang mga bagong aabangan sa primetime at sa News and Current Affairs ng network.
Paliwanag ng network executive, “Yung ibig naming sabihin sa vertical programming, na [yung] once-a-week programs, halimbawa 'pag Tuesday yung programa, makikita mo na siya ulit sa Tuesday na.
“Iba yung nangyayari gabi-gabi.”
Bakit ganito ang naging direksiyon nila sa kanilang programming?
Tugon ni TV5 at Cignal TV President and CEO Jane Basas, “Kasi may sports, e.
"Yung PBA [Philippine Basketball Association], nasa TV5 na rin siya.
"And PBA happens from Wednesdays and Fridays, from 8 p.m. to 10 p.m.
"So, hindi ka talaga makapag-straight programming doon.”
Dagdag pa niya, “But also, we want a different mix of programming on primetime.
"That’s why there’s entertainment, there’s sports, and then there’s news and information.
"Actually, balanced programming nga siya.”
Kabilang sa mga bagong programang aabangan sa 2020 ay ang daily tawa-serye na My Pirated Family ni James Reid at Nadine Lustre.
Bukod pa sa daily show na ito ni James Reid at Nadine Lustre, magkakaroon din siya ng kanyang kauna-unahang weekly drama anthology sa istasyon, na pamamagatang Minamahal.
Sa Enero 2020 ay magsisimula na rin ang pagbibidahang daily teleserye nina Martin del Rosario, Marvin Agustin, Neri Naig, at Bianca King—ang Obsession.
Magkakaroon din ng self-titled drama series si Jasmine Curtis Smith, James Reid at Nadine Lustre.
Bukod dito, may comedy shows ding bubuksan ang Singko.
Una na rito ang One Of the Boys ni Eula Caballero at Nadine Lustre at Beki Boxer ni Alwyn Uytingco at Kim Gantioqui.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasaman naman sa isang drama series sina Aga Muhlach, Derek Ramsay at James Reid na may titulong My Brother’s Keeper.
Magbabalik naman si Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa kanyang first love na gagawin sa telebisyon—ang pagsasayaw—via Celebrity Dance Battle.
Sa April 2020, mapapanood sa istasyon ang local adaptation ng sikat na U.S. TV series na My Pretty Little Liars.
Pagbibidahan ito nina Sophie Albert, Nadine Lustre, Chanel Morales, Stephanie Rowe, at Daniel Lee (nakababatang kapatid ni Divine Lee).
Sa panig naman ng News and Current Affairs, sinabi ni Luchi na ilulunsad nila ang kakaibang documentary show na may pamagat na iDokyu.

Comments
Post a Comment