TV5 employees threaten general strike after talks end in deadlock
Mahigit sa 700 na empleyado ng TV5 ang nagbabalak magkaroon ng tigil-trabaho. Ito ay matapos ng deadlock sa usapin ng collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon ng mga empleyado at ng management ng istasyon noong nakaraang buwan. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Linggo, December 15, 2019 nag-file ng notice of strike ang Associated Broadcasting Company Employees Union (ABCEU) noong Biyernes, December 13, 2019 sa Department of Labor and Employment (DoLE). Ito ay dahil hindi raw umusad ang pag-uusap ng unyon at ng management tungkol sa "non-economic provisions" ng kanilang CBA, partikular na sa "job security." Sa CBA meeting ng unyon at management noong November 11, hindi nagkasundo ang dalawang kampo tungkol sa inihaing plano na baguhin ang pangalan ng ilang departamento at posisyon. Tingin ng management ay hindi akmang pag-usapan ang tungkol sa naturang plano noong pagpupulong ng araw na yun. Ngunit iginiit ng unyon na pag-usapan ang bagong pa...