TV5, RPN-9 sanib-puwersa sa ‘Bilang Pilipino 2025’ election coverage


MANILA, Philippines – Ang kasunduang nilagdaan ng TV5 at RPN-9 ay naglalayong palakasin at pabilisin ang comprehensive election coverage campaign ng network na ‘Bilang Pilipino 2025.’

Dahil sa kasunduang ito, sinisigurado ng Radio Philippines Network at ng TV5 na magkaroon ng mabilis at mabilis na live broadcasting ng mga mahahalagang updates para sa kanilang nationwide coverage ngayong May 12 local and national elections.

Kinabitan ang mga headquarters at newsrooms ng TV5 ng mas pinabilis at enterprise-grade na koneksyon at pinalakas ang kanilang mga fixed facilities upang makapag-hatid ng mapagkatitiwalaang balita at impormasyon, at mga entertainment programs para sa mga local at international audiences.

Panayag ng Radio Philippines Network (RPN-9) at Nine Media Corporation President and CEO na si Benjamin Ramos, “RPN-9 has long been a partner of TV5 in delivering digital and media services to Filipinos. We are eager to provide digital support for our Kapatids in their coverage of the national elections, which is proving to be the country’s most pivotal turning point for the coming years.”

Ang mga teknolohiyang ito ay makakatulong sa RPN-9 para bigyang kakayahan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng world-class quality na media at entertainment content, mapa free-to-air channel man o sa iba’t-ibang digital platforms, at magsilbing inspirasyon sa kanila para maging kaagapay sa nation-building.

“We are happy to once again be partnering with RPN-9, PLDT and Smart, enabling us to bring to the Filipino homes crucial news and information about this historical event that will be unfolding in our country,” ayon sa TV5 President at CEO na si Guido R. Zaballero.

Dagdag niya, “The expertise in technology and services that our kapatids are extending will allow for us to deliver the most comprehensive and immediate coverage of the 2025 Senatorial Elections across all our media platforms: TV5, RPTV, One PH, One News, True TV, True FM and News5’s Youtube and Facebook accounts.”

Ang TV5 ay pagmamay-ari ng MediaQuest Holdings, sa pamamahala ni Manuel V. Pangilinan bilang chairman, sa ilalim ng MVP Group of Companies kasama ang PLDT at RPTV. (Lito T. Mañago/Benjamin Ramos)

Comments

Popular posts from this blog

93.9 iFM Holy Week 2025 Advisory Off-Air Announcement [APRIL-2025]

TV5 to cut 700 jobs, may stop airing TV5 Sports programming 'ESPN5'